Showing posts with label basura. Show all posts
Showing posts with label basura. Show all posts

Wednesday, May 13, 2009

Garbage In Its Place

There is nothing worse than seeing garbage blowing down the street of your neighborhood, or finding broken shards of glass at the local swimming hole where children play.

Wildlife is just as vulnerable to garbage and many have lost their lives after becoming tangled in waste or mistaking garbage for food. It is up to each of us to make an effort to minimize this unsightly, and sometimes hazardous, problem.Animals, wind and traffic breezes put legs to loose garbage and are able to distribute it great distances from the original source. The first thing that we can do to prevent this is to ensure trashcan and dumpster lids are secure. Metal and plastic trashcans are more preventative than bags - leaving a bag out over night or even for several hours, is an enticing invitation for stray animals to wreak havoc. When taking a load to the dump, be sure that it is securely covered by tightly tying a tarp over the load with some rope or bungee cords.

Carry plastic shopping bags on your walks to clean up litter that you find along the way. Often, people are rewarded for their efforts by the deposits returned from bottles and cans. Those who have noticed your efforts will begin taking up the same habit once they realize the impact it has.
Report any dumping you witness, whether it was done illegally or accidentally - just get the license number and leave the rest to the officials. Also, report any site where garbage has been left by others. These problems can be reported to the local city, highway, public works or conservation office. Ask them to arrange for it to be cleaned up.

By doing these relatively small actions, we prevent contamination and injuries to people or wildlife in the area. When separating recyclable items, we keep a valuable resource out of the landfill. In addition, we maintain a pristine environment for citizens, tourists and wildlife to enjoy. We can all take pride knowing that by keeping garbage in its place, we are making the world just a little better for everyone.

By: write 2 right

Read more

Wednesday, May 6, 2009

BASURA SA LANSANGAN












Ni: Arvin U. de la Peña

Napakahirap ng buhay ko. Marahil ay basura sa lipunan kung tawagin. Naglalakad at palabuy-laboy sa kalye na walang patutunguhan. Pumupunta ako sa mga basurahan para mamulot ng puwede makain o kaya namumulot ng puwede na maibenta ng magkaroon naman ako ng pera.


Minsan naman ay umuupo ako sa lansangan para manghingi ng pera sa mga nagdaraan na tao. Araw-araw ay iyon ang buhay ko. Wala akong permamenteng tirahan at matutulugan. Gustuhin ko man na baguhin ang buhay ko ay wala akong magawa. Dahil ito ang kinagisnan kong buhay. Namulat ako at nagkaisip na ganito na ang buhay ko. Tandang-tanda ko pa na noon ay karga-karga pa ako ng aking mga magulang habang sila ay namamalimos.

Sa buhay ko na ito ay di ko maiwasan ang di mainggit sa kapwa. Masaya at maayos ang buhay nila kumpara sa akin. Tuloy natatanong ko minsan sa sarili na bakit hindi pantay-pantay ang buhay ng tao. May mayaman at may mahirap. Mayroon naman maayos ang kalagayan sa buhay at hindi. Napakaraming bakit ang tanong ko sa sarili na hindi pa nahahanapan ng kasagutan.

Sa patuloy ko na pakikipagsapalaran sa buhay na ito ay masasabi ko na napag-iiwanan talaga ako ng panahon. Lalong naiiwanan sa mga makabagong teknolohiya. Hanggang tingin lang ako sa tinatawag na cellphone o kung ano pa. Kailanman ay di pa ako nakakahawak ng ganun na bagay. Napakahirap talaga sa akin ang magkaroon ng pera. Di katulad ng iba na madali lang.

Minsan naiisip ko na wakasan na lang ang buhay ko. Para matapos na ang paghihirap ko. Pero natatakot akong gawin iyon. Naduduwag ako na wakasan ang buhay ko samantalang di ako naduduwag na marumi, naglalakad sa kalye at nanghihingi ng pera. At kapag gabi na ay madalas pumapatak ang luha sa aking mga mata kung bakit naging ganit ako. Lalo na kung sa araw na iyon ay kaunti lang ang nakain ko.

Kahit ako ay ganito ay umaasa pa rin ako na darating ang araw na mag-iiba na ang takbo ng buhay ko. Matutupad ang pangarap ko na makaahon sa mundo kong kinagisnan. Dahil habang may buhay ay may pag-asa. Iyon lagi ang nasa isip ko. Kung kailan darating iyon ay hindi ko alam. Basta ang mahalaga sa ngayon ako ay nabubuhay.

Marahil ay nakita at nadaanan niyo na ako sa lansangan.

Read more